Nakakamiss…

Sarap umuwi sa Pinas, how i wish na pwedeng mag jeep lang at ayan na ako kaso sobrang layo…hay! kelan kaya ako makakatikim ulit ng…

–lechon baboy
–lechon kawali
–buko pandan
–buko pie
–kumain sa Jollibee at Greenwich
–sinigang na baboy
–bibingka
–suman at latik
–ube jam
–alimango
–hilaw na mangga na isawsaw sa bagoong alamang
–kumain ng aratiles
–halo-halo
–puto at dinuguan

kelan kaya ako ulit makakapagtalampisaw habang bumubuhos ang ulan? dalawang beses lang dito umulan at di ka naman pwede mag enjoy dahil may kasamang alikabok.

kelan kaya ako ulit makaka-akyat ng bundok at lumanghap ng sariwang hangin?

nakakamiss ang makipagtsikahan sa mga dating kaibigan ng hanggang magdamagan…

nakakamiss ang company ng mga matatawag kong totoong kaibigan, kupara dito wala masyado akong kaibigan kasi halos lahat ng mga tao plastik…

kelan kaya ako makakapag rest feeling ko pagod na pagod na ang katawan ko…

hay! buhay abroad…

kelan kaya?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *