kailan kaya?

Naku. magdadalawang buwan na hindi pa rin dumadating ang katulong namin, sabi with in ten days maaayos ang visa nya pero hanggang sa ngayon wala pa rin. Naka-ilang biyernes na rin ang lumipas pagtinatanong namin, ang sasabihin darating na ngayong friday pero ala pa rin.

Una nagkaproblema sa maid’s visa nya kasi wrong spelling ang surname nya.

The second time na ipinasa sa immigration, nasilip na nacancel pala sya dati kaya nagchange passport sya kaya nadelay na naman.

At hanggang sa ngayon ang palaging sinasabi ay “okay na!” pero wala pa rin sya.

Sana nga ay tumama man lang ngayong friday dumating na nga sya.

Kasi kung hindi para makapaghire na ng iba!

HIndi lang naman sya ang pwedeng makuha, marami din dyan kaso nga lang nagtiwala kami kasi ang naka-usap namin na nagtratrabaho sa agency ay kaibigan at kakilala sya.

Wala na ring kwenta kung dumating sya after one month pa, kung kelan nanganak na ako, eh di sna yong perang binili namin sa visa at ticket nya ay nanganak na rin ng kunting tubo sa bangko!

Sana naman maayos na ang lahat…

Kahit hirap ako sa sobrang laki na ng tyan ko at may toddler pa akong malikot kinakaya na lang ng powers ko …akala ko pa mandin darating sya kaagad para makapagpahinga man lang ako…andami kung mga maling akala…sana maayos na!

At sana worthy naman ang paghihintay namin sa kanya!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *