Kabayan Daw!

Last weekend nagpunta kami ng Villagio Mall para maggrocery at kumain na rin ng lunch. As usual  si Ate P chicken lang sa KFC ang gusto at kami naman ni Str ang all time peyborit na Mushroom ‘N Swiss sa Hardees. Tulog si Sean kaya ako ang nag-order. Ang haba-haba ng pila sa KFC kaya inuna ko munang mag-order sa Hardees at ibinilin ko muna sa Pinay na staff ng hardees  na babalikan ko nalang. Pumila na naman ako sa KFC at ng malapit na ako sa counter umusog lang ako ng kunti to my right para si Ate P hindi maipit ng ibang nakapila ng biglang may kabayan na nagsalita ng “kabayan saan ba ang pila? Yong taong yon wala pa sya doon sa pila ng kami ay pumila. Sa tono nya para syang nang-aasar na alam naman nya kung saan ang pila. Hindi ko kailangan sa kanya mag-explain kasi alam naman nya.

At isa pa mas nauna ako sa kanya pwede namang lumihis ng konti ano buti kung mag-isa lang ako na pwede akong makipagsiksikan. Pero hinayaan ko sya at sinabi ko sa kanya na nauna ako sa kanya sa pila. Nasa linya pa naman ang anak ko di ba?

 Hindi rin sya bastos ano? Ng kinukuha na ang aking order sabay ang hirit nya ng kanyang order, sinasabayan nya ako ng salita kaya tiningnan ko sya at tumigil sya. Tapos sabay lingon sa kasama nyang babae at nagsalita sila ng Bisaya. Tinanong ulit sa akin ni Berwin ang aking order at nakikipagsabayan talaga ang bastos an lalaki sa likod ko panay ang salita sabi nya “kabayan, dalawang twister din sa akin!”. Dalawang beses nya sinabi ang linyang yon. Alam naman nya na hindi nya order yong kinukuha dapat mag-antay muna sya saka magsabi ng paulit-ulit ng kanyang order.

 Si Berwin naman (binasa ko at tinandaan ang nameplate nya) yong cashier sa KFC isa ring lito. Ang sabi ko sa kanya 3 chicken wings at sabay sabi nya ng hindi sila nagbebenta ng chicken na pa-isa-isa at pumunta daw ako sa McDo at doon meron. Sinong niloloko nya ako ba? o di kaya hindi nya alam kung ano ang tinitinda nila? Kelan pa hindi na nagbebenta ng chicken ang Kentucky Fried Chicken? At walang chicken wings sa McDo. Kaya sabi ko sa kanya okay hindi na pala kayo nagtinda ng chicken by piece (pero 4 pcs. nga ang ino-order ko). Sabi nya pwedeng snack box nalang at may chicken na yon. Kaya ako naman sumige nalang kasi nabebwesit na nga ako sa lalaing nasa likod ko at panay ang salita. At sinabi ko pa rin kay berwin na isa pang cheese cake at sabay abot ng 16 riyals. Hanggat maaari gusto ko na sanang umalis doon kasi ayokong makipagsagutan sa lalaking bastos na nasa likod ko. Sabi nya 10 minutes pa daw kaya nag-antay -antay ako. Pero nakaka-inis talaga yong lalaki sa likod ko kaya sinabihan ko si Berwin ng KFC na babalikan ko nalang sabay punta sa Hardees at kinuha ko yong inorder ko doon.

 Balik ako sa KFC after 10 minutes sabi ni Berwin  5 minutes pa daw kaya sinabihan ko sya na kung pwede asawa ko nalang ang babalik para kunin ang order ko.

 After 5 minutes bumalik si Str, hindi kasi mapigilan ng asawa ko na hindi magcomplain  kaya sinabihan nya si Berwin na bakit hindi na ba sila nagbebenta ng chicken. Bigla yata naalala ni Berwin na nagtitinda sila ng ganun kaya sabay sabi na meron naman daw. Sinuklian pa nya ng 2 riyals si Str. Binalik ni Str ang 2 riyals kasi alam nya na tig -apat na riyal ang bawat piraso ng chicken sa KFC. At mukhang hindi alam yon ni kabayan na 4 na chicken ay 16 riyals.

Minsan din sa mga mall may mga sales staff na mga masusungit. Sa akin lang naman kabayan ngumiti ka naman. Lalo na kung mamahalin yong mga paninda nila para bang ang tingin at ang tono ng sagot nila minsan ay “hello, kabayan mahal to at hindi mo afford no!”

Sa katulad ni Berwin ng KFC sa VIllagio Mall, huwag kang maging tuliro. Alamin mo ang inyong mga paninda at presyo para hindi ka magshort sa kaha mo. Huwag kang masyadong mag-apura na sasabihin mo na wala sa customer kahit meron para lang matapos kaagad ang ginagawa mo. Kung hindi lang ako nagpigil kakausapin ko sana ang manager mo para maleksyonan ka, kaso nga kawawa ka naman at kabayan ka kaya may konsiderasyon.

Sa’yo naman lalaking Bisdak, wait fot your turn, huwag kang ganyan kasi buti nga wala kang dalang anak na mapipipi sa linya di ba? Asawa mo ba talaga yong kasama mo  o alam mo na ? Uso naman yan dito di ba? Kasi mukhang hindi eh! Pasalamat ka hindi ko dala camera ko kasi pagnagkataon makikilala ka ng lahat.

Hindi ko naman sinasabing maging friendly tayo palagi sa mga kabayan kung ayaw mo pero di ba mas nakakagaan ng pakiramdam kung maayos ang pakikitungo natin sa ating kapwa lalo na pag kabayan. Nasa Pinas man tayo o wala maging maayos naman tayo sa kapwa natin. Kilala nga tayong mga Pinoy sa pagiging warm at friendly natin at higit sa lahat kilala din tayo bilang effective and efficient workers kaya huwag mo naman ipahiya ang lahi natin mga tsong:)

One Reply to “Kabayan Daw!”

  1. u know what mare,even here in Edmonton,there are a lot of arrogant filipinos,its so sad really.Im always been friendly with our kabayan’s here,but sometimes its so embarrasing when you tried to talk to them or say hi like in public places,,my gosh they dont even bother to take a glimpse of you,,as if you dont exist to them,most especially those kabayan’s whose been here for a long time,,wheww they have those annoying arrogance as if they look at you and belittle you,,and wait when you tell them youre caregiving yet,they have those smirk and spirfs as if,,blah blah,,,,and there was this middle aged guy bragging about his achievements here,,,and he asked what i do,,i said im still caregiving,and guess what he said,oh a lot of Pinay’s do that esp.those who didnt have much college education back home,,i was just beside myself and i didnt contain myself anymore and i said,excuse me i am a college grad back home,and im not gonna be caregiving for the rest of my life,,,dont worry maybe ill be richer than you someday,,hehe,,there serves him right!!!!Hay life,,its so sad,all those derogatory and demeaning comments would came from our kababayan…oh well thats life right,as long as we wont be like them ,i coudnt care less….hehehe…regards mare and keep posting!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *