iba’t ibang mukha!!!

tao. nakakasaya ang makipag-usap sa iba, minsan din di maiiwasan ang mapatawa at mapataas ang aking kilay sa iba. sa dami-dami ng nakakasalamuha ko masasabi kong kakaiba nga ang bawat isa. may mga punto na nagkakaparehas ang mga gusto at pananaw sa mga bagay-bagay pero madalas magkaiba ang kanilang mga pag-iisip.
katulad na lamang sa isang lugar na kung saan bawat tao ay nandoon –magkakaiba ang mga interes yong iba gustong makipagsalamuha para magkaroon ng mas maraming kakilala at kaibigan, yong iba naman para tumulong sa kapwa, pero madalas napapansin ko yong iba nandoon para magpakitang gilas! maaangas!!! minsan nakaka-irita masyadong marurunong kung magsalita. palaging may alam sa kung ano mang isyung pinag-uusapan at minsan wala ng kritikal na pagnininilay-nilay sa isang usapin basta lang sya makahataw. yan ang mga taong gutom at hayok sa kanilang mga posisyon. nawawala ang tunay na adhikain ng grupong ito.
ang iba naman kala nila hindi ko sila nahahalata masyadong plastik. ba’t nga ba ganon? sana man lang tunayo sila sa dapat nilang pagkatayuan o di kaya’y itapak ang mga paa sa lupa at gawin ang kung anuman ang makakabubuti para sa lahat. nakakabanas!!!nakakatawa!!! nakakapraning!!!
hindi ko alam mabibilang lang ang mga totoong tao sa kumunidad na iyon. sana nga ay hindi pa ako nagkakamali…baka isa din sila sa mga taong iyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *