Buhay sa Ibang Bansa!

Ang tao di nawawalan ng hinaing sa buhay, katulad na lamang ni misis no. 1 walang katapusang himutok at reklamo sa kanyang asawa. Marami daw syang gustong gawin sa buhay nya kaso di nya magawa dahil ang gusto daw ni mister dapat unahin nya ang kanyang pamilya. samantala, ang gusto naman ni misis na unahin ang kanyang karer sa buhay kaya kahit anong luho ang gusto nya binibigay na lang daw sa kanya ni mister para manahimik lamang sya.

Minsan ang tao hindi nag-iisip, hindi makuntento muna kung ano meron sya. Kung tutuusin hindi mahahanap ng mister nya ang sahod na tinatamasa nila dito sa abroad kumpara sa Pinas kahit hindi mataas ang posisyon ng kanyang asawa sa kompanyang pinapasukan. Pero mas gusto pa ni misis na umuwi na lang daw silang mag-anak sa Pinas kung hindi man lang mapropromote si mister. Dapat isipin na lang nila na mas magiging maayos at makaka-ipon sila ng sapat na pera dito kumpara sa Pinas.

Tama din naman ang kanyang mister na dapat unahin nya ang kanyang pamilya kasi maliliit pa ang kanilang mga anak. Sabagay, kanya-kanyang diskarte yan sa buhay.

Si misis no. 2 naman gustong ipalaglag ang kanyang pinagbubuntis kasi ayaw nyang magkabeybi ulit kaso gusto ng mister nya maraming anak. Mas gusto pa nyang magtrabaho kesa manatili sa bahay. Syempre wala na syang pandagdag pambili ng mga abubot at anik-anik nya kaya dapat nag-iingat sana sya na hindi mabuntis. Ayaw nya non, mas marami syang mapagtsi-tsismisan kasi nasa bahay lang sya at likas naman syang tsismosa.

Si misis no. 3 apat na beses ng nagpalaglag kasi di na nya makakayanan daw pa pagnagbuntis naman sya ulit kawawa daw ang kanyang mga anak na maliliit pa. Bakit ba ganito? Ang lupit naman, gagawa-gawa tapos di papanagutan. May iba nga dyan na hindi nagkaka-anak at gustong magka-anak pero walang dumadating ni isa at eto naman ang iba pinapalaglag lang. Ano yon, parang tinapay na pag ayaw mo pwedeng itapon?

Misis no. 4 at no. 5, sila ang mga taong walang katapusan at walang kasawa-sawang nakiki-alam sa buhay ng mga may buhay. Paborito nilang pag-usapan ang buhay ng ibang mga tao, kaibigan man o hindi at mas matindi kung kaaway. Ang mahirap pa sa dalawang ito hindi mo makitaan ng magandang ugali, matatanda na sana at magpakita ng tama kaso parang sakit na kanser…grabbe!

Wala na bang ibang magawa dito sa mundong ito?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *