buhay abroad!

this adsl stuff so soooo cool. imgagine whole day yata naka-online ang pc ng lola mo pero tipid sa bayad!!! tipid ba? heheehehe…ala lang akong maisulat kaya kung anong nasa mind ko yon lang po ang mababasa nyo. medyo lately, may tupak ang lola nyo. naku! di ko alam kung bakit ako nagkakaganito ito ba yong side effect ng pills o sadyang pagdi kagaano nakakalanghap ng oxygen ganito ang mangyayari sa iyo.ang hirap kasi namang lumabas ngayon, masyadong mainit di pwedeng umalis ng bahay pag umaga o kaya hapon kasi masyadong humid tsaka di pa rin tapos ang ginagawang kalye sa harap namin mahirap maghanap ng taxi. ayoko din namang lumakad pa kami ni munchkin hanggang may grocery store para lang makalabas at doon mag-abang ng taxi no? kelan kaya matatapos itong underpass sa harap namin para naman minsan makagala kami sa umaga o di kaya hapon.
di naman pwede na parati na lang kami sa mga kapitbahay no? ba’t di kaya yakagin kung lumabas si ate liza (pinay naming neighbor)? eh, kaso naman dalawa-dalawa din ang bit-bit yang babies, papano kaya yon?
mas lalong di naman pwedeng makajamming si mommy monica, saan nya isasabit yong kandamakmak nyang mga alaga no? haaay!!! buhay abroad mahirap na masarap!!! mahirap kasi wala kang katulong sa bahay. ayoko din namang kumuha kami ng katulong tapos yong ahensya ibang lahi ang ibibigay sa yo. ano yon? magdudusa ako lahing indonesian, sri lankan, o di kaya indian? naku! wag na mahirap kausapin, halos lahat sa mga yon di gaanong marunong mag-englis. mahirap din palaging parang may nakabuntot sa yo. mas gusto ko yong walang nakiki-alam sa buhay pamilya namin. baka mas lalo lang uminit ulo ko pag ganon.

masarap ang buhay abroad kasi mabibili mo halos lahat ng gusto mo lalo na sa bansang ito halos palaging may sale. tapos isa pa mas may panahon din para sa pamilya kumpara sa pinas, matataas na nga mga bilihin sa tin, buhol-buhol pa ang trapiko lalo na sa kamaynilaan tapos marami pang mga drug addicts pati madurukot aabotin ka sa bahay mo na magkadikit na ang yong mga kilay. sabagay, dito may sarili kang wheels, kahit ano ng klaseng sasakyan pwede mong mabili yon nga lang, mag-ingat ka din sa mga pilosopong mga arabo lalo na kung magpalipad ng mga sasakyan kala mo mawawalan sila ng kalsada o kaya ng roundabout. at wag ka din minsan mapapatili ka sa mga pagiging primitibo ng mga ito kulang na lang mag-inuman sa mismong roundabout! oo! ganon sila pagmakakita ng kakilala o kaibigan kahit nasaan, nasa gitna man ng kalsada o sa gilid ng roundabout walang pakialam sa iba basta makikipa-usap at kumustahan sila.

ba’t kaya ganon sa atin no? sobrang hirap ng buhay. magtratrabaho ka ng walong oras minsan sobra pa kaso ang bayad halos pambayad lang sa ilaw at kuryente, upa ng bahay, pagkain, pang-araw-araw na pamasahe dagdag mo pa ang mga luho mo sa katawan. saan napunta sahod mo? parang di mo rin yata ramdam. pagkatapos ng isang buwan simula na namang bunuin ang isang buwan papano na kaya yon yong pamilyang tig-sasampu ang mga anak. kawawang mga bata!!! tsk..tsk…sana man lang mga tao sa tin magbago na. isipin ang kapakanan ng kanilang mga anak, di na anak lang sila ng anak di man lang maiisip na ala na pala silang maipakain sa kanilang mga supling.

ang sarap maging isang lokal, ang yaman yaman ng bansa nila, ito na yata ang pinakamayaman na bansa sa buong gitnang silangan. sa ngayon meron na namang panibagong oportunidad ang mga taong ito, andaming mga benepisyo na galing ng gobyerno at binigyan pa sila ng pautang mula sa mga bangko na walang interes para ipatayo ang mga bahay nila. sobra naman nilang swerte. kelan kaya mangyayari ang ganito sa atin? lubog-lubog na nga tayo sa utang pati yata apo ng apo pa natin ay may utang …di yata yon kaylan man mangyayari. masyadong malayo sa katutuhanan o realidad.

pero kahit ganon pa rin ang ating bansa mas gugustuhin kung doon manirahan at yumao sa sarili kung bayan. bangon pinas…bumangon ka…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *