Ang Sarap Maging Senador

I found this in my inbox today… 

Maganda rin naman ang naidudulot ng pagiging prangka ni Senador Miriam
Defensor-Santiago. Ayon kay Santiago , marami ang tumatakbong Senador
dahil
sa laki ng budget na ibinibigay sa kanila kada buwan.

Lumalabas na P35,000 suweldo nila kada buwan ay pakitang-tao lang sa
milyun-milyong budget ng bawat senador. Kada buwan ay may Fixed Monthly
Budget ang bawat Senador ng humigit-kumulang P2 Milyon.

Sa opisina pa lang nila ay humigit-kumulang P500,000 and budget nila sa
Maintenance and Operating Expenses (Rental, Utilities, Supplies at
Domestic
Travels) at P500,000 para sa Staff at Personal expenses. Kaya para
makatipid
ang ibang Senador, kaunti lang ang staff na kinukuha nila. Nagtataka ka
pa
kung bakit mayroong mga Ghost Employee?

Bukod diyan, may P760,000 allowance pa sila kada buwan para naman sa
Foreign
Travel. At ang masakit pa nito, hindi na kailngan i-liquidate ang mga
resibo
ng mga gastusin ‘yan kundi Certification lang ang Requirement.

Heto pa, lahat sila ay Chairman ng mg Komite sa Senado. Ang Committee
Chairman ay tumatanggap din ng budget na sinlaki ng tinatanggap ng mga
Senador na humigit-kumulang P1 Milyon din! Hindi sila mawawalan ng
Komite
dahil 24 lang ang ating mga Senador at 37 naman ang Committee sa Senado.
There’s food for everybody ‘ika nga! Lumalabas na doble ang kanilang
benepesiyo at kita kapag sila ay nabiyayaan ng Committee Chairmanship.

Sa P200 milyon na Budget para sa Pork Barrel ng mga Senador bawat taon,
awtomatikong may 10% na S.O.P. o kita ng Senador na P20 milyon. Ito ang
porsiyento na ibinibigay ng mga kontratista sa mga Senador na nagbibigay
sa
kanila ng mga Infrastructure at Livelihood Project.

Bago matapos ang termino ng isang Senador, kumita na siya ng P100 milyon
sa
Pork Barrel pa lang. Yung ibang Senador mas gahaman, hindi lang 10%
kundi 20
– 30% ang komisyon hinihingi sa mga kontratista.

Pansinin niyo na lang ang pagbabago ng buhay ng ilan sa ating mga
Senador
simula nang manungkulan sa puwesto. Kung dati ay simple lang ang
kanilang
pamumuhay ngayon ay nakatira na sila sa mga eksklusibong subdivision,
maraming bahay sa Pilipinas at abroad at mahigit lima ang sasakyan.

Ngayon nagtataka ka pa ba kung bakit gumagastos ng daan-daang milyong
piso
ang mga Senador sa kampanya para sa isang posisyon na P35,000 lang ang
suweldo kada buwan? Bawing-bawi pala ang gastos kapag naupo na!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *