112046111760367623

HIndi lahat ng gusto natin ay nangyayari ayon sa kagustuhan natin. Hanggang ngayon inaantay namin ang kinuha naming maid and until now hindi pa rin lumalabas ang visa nya. Malay ba namin na may problema palang haharapin.

Noong unang lumabas yong visa nya mali naman ang spelling ng apelyido nya but worst nong binalik na sa immigration ang papeles nya na cancel pala sya kaya she has to do some errands in the Pinas para maayos ang gusot.

It’s nearing its second month mula ng i-process ang pagkuha sa kanya at hanggang ngayon wala pa rin. Kung hindi lang nakaka-awa naman sa part nya i would rather get another maid na lang kaso nagkagastos na rin sya kasi lumuwas na sya ng Manila.

Sana pagdating naman nya dito maayos sya para worthy naman ang effort pati ang perang ginastos sa kanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *